--Ads--

CAUAYAN CITY Patuloy na tinututukan ng pamahalaang lokal ng Roxas, Isabela ang mataas na bilang ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Jonathan Jose Calderon ng Roxas, Isabela, sinabi niya na nasa 191 ang mga kaso ngayon ng COVID-19 sa kanilang bayan.

Bahagya na itong bumaba mula noong nakaraang araw ng linggo na nasa 206 ang kabuuang positibong kaso.

Mahigpit itong tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Roxas at umaasa si Mayor Calderon na mapababa na nila ang kaso at makarekober na ang mga naitalang positibo.

--Ads--

Patuloy ang pagsasagawa ng contact tracing at hinihintay ang resulta ng swab test ng mga naunang isinailalim sa testing.

Nagbukas ang pamahalaang lokal ng tatlong bagong quarantine facility sa barangay Matusalem at San Antonio upang matiyak na may pansamantalang tutuluyan ang mga nagpositibo na kailangang isailalim sa quarantine.

Nakipag-ugnayan na rin si Mayor Calderon sa mga karatig na bayan ng Roxas upang maiwasan ang cross contamination ng COVID 19.

Nanawagan si Mayor Calderon sa kanyang mga kababayan na suportahan at unawain ang mga hakbang ng pamahalaang lokal para labanan ang mataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Ang pahayag ni Mayor Jonathan Jose Calderon