--Ads--

CAUAYAN CITY – Isa na namang health worker ang nasawi dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa San Mateo, Isabela.

Siya ay 45 anyos na babae, midwife at nagtatrabaho sa Rural Health Unit (RHU) ng San Mateo.

Nagpositibo siya sa COVID-19 at nabakunahan na rin ng unang dose ng Sinovac vaccine.

Ayon kay Ginoong Sam Barangan, sanitary inspector ng RHU San Mateo, ang naapektuhan ng COVID-19 sa naturang bayan ay umabot na ng 184, 83 ang aktibo, 94 ang gumaling at pito na ang nasawi.

--Ads--

Patuloy na pinag-iingat ang mga mamamayan at kung hindi mahalaga ang pupuntahan ay huwag na lamang lumabas sa kanilang bahay.