--Ads--

CAUAYAN – Patuloy na pinaghahanap ang katawan ng isang welder na nalunod habang nangingisda sa isang fishpond sa barangay San Pablo, Cauayan City.

Ang biktima ay si Angelo Luiz Villante, 24 anyos, may asawa at residente ng Alibagu, City of Ilagan.

Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, nagpunta ang biktima sa isang fishpond na konektado sa sapa kasama ang kanyang mga kamag-anak para mangisda ngunit napunta siya sa malalim na bahagi na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Sinikap ng mga kasama na iligtas si Villante ngunit nabigo silang masagip ang biktima.

--Ads--

Naglunsad ng paghahanap ang mga rescue team para matagpuan ang katawan ng biktima.