CAUAYAN CITY– Ikinatuwa ng Cauayan City Police Station ang pagkakadiskubre sa isang indoor marijauna plantation at drying room sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col. Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na itinuturing nilang high value target (HVT) ang naaresto sa kanilang pagsisilbi ng search warrant sa barangay Nungnungan 2 at sa Villarta Street, barangay District 1, Cauayan City.
Anya, matagal na nilang sinusubaybayan ang naturang suspect hanggang sa matukoy nila ang mga aktibidad nito na nagresulta sa matagumpay na pagsisilbi ng search warrant laban sa kanya .
Batay anya sa kanilang mga narecover ay maituturing na experto sa pagpapalaki at pagproseso ng mga illegal na marijuana ang suspect.
Una nang napaulat sa Bombo Radyo Cauayan, nasamsam ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant sa isang hotel at apartment ng susect n na si Joey Uy, 34 anyos, may asawa at residente ng barangay Nungnungan 2, Cauayan City ang ilang kilo ng marijauna, mga kagamitan sa pagpapalaki at pagpapatuyo nito ng marijuana at mga bala.
Unang nasamsam sa stock room ng isang Hotel sa barangay Nungnungan 2 ang isang improvised incubating cabinet, 3 piraso ng pinatuyong dahon ng marijauna na may tangkay na nakabalot, 3 kahon na naglalaman ng pinatuyong dahon ng Marijauan, 1 transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang abo ng marijauna, 4 na bala ng Cal. 45 na baril, 5 bala ng Cal. 9mm pistol, 5 incubating led light machines, 7 seedling trays at paso at iba pang kagamitan na ginagamit sa pag-aalaga ng mga pananim na marijuana.
Nasamsam naman sa tinutuluyan apartment ng ssuspect sa Villarta St., Barangay District 1, Cauayan City ang brown box na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, plastic bag na naglalaman ng dried marijuana leaves with stalks, tatlong paso na may tanim na marijuana, dalawang piraso ng portable digital weighing scale, 9 na piraso ng incubating led lights, 3 carbonized filters, isang brown box na naglalaman ng aluminum exhaust tube, 3 carbonized filters at 12 piraso ng paso na may lamang lupa.
Ayon PLCol Gamboa, umaabot sa mahigit 200,000.00 pesos ang halaga ng nasamsam ng marijauna sa kanilang operasyon maliban pa sa mga nasamsam na paraphernalia.
Sa ngayon ay inaalam pa kung gaano kalawak ang operasyon ng naturang suspect subalit naniniwala ang pulisya na hindi lamang sa Cauayan City ang operasyon nito.
Kasong paglabag naman sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002) at Republic Act 10591 ( New Firearms Law) ang kakaharaping kaso ng suspect.











