--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang lolo matapos na magbigti sa loob ng kanilang bahay sa barangay Victoria, San Mateo, Isabela.
Ang nagpakamatay ay si Ernesto Pascua, 73 anyos at residente ng naturang barangay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Emilita Pascua, misis ng nagpakamatay, sinabi niya na nakita na lamang nila kaninang madaling araw na nakabigti na ang kanyang mister.
Aniya, wala silang alam na dahilan sa pagpapakamatay ng kanyang asawa.
--Ads--
Una nang nagtangkang magpakamatay ang lolo sa pamamagitan ng pag-inom ng lason ngunit naagapan.
Sa kabila nito ay hindi na nila ipapa-awtopsiya ang bangkay ng kanyang mister.




