--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon nang person of interest ang mga kasapi ng San Mariano Police Station sa naganap na panloloob sa bahay ng isang manggagamot sa barangay Poblacion, San Marinao, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Rogelio Ignacio  Jr., imbestigador ng  San Mariano Police Station, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na sinira ng magnanakaw ang pintuan sa likod bahay at ang pintuan ng master’s bedroom maging ang  vault kung saan nakalagay ang mga alahas na malaki ang halaga.

Nagkataon na walang tao sa loob ng bahay nang maganap ang panloloob.

--Ads--

Ayon kay PSSgt. Ignacio, may kongkretong bakod ang bahay ng biktima   at maaaring kilala ang suspek dahil alam ang pasikut-sikot sa bahay.

Ang pahayag ni PSSgt. Rogelio Ignacio