--Ads--

Cauayan City– Inaasahang mababakunahan ang ilang manggagawa sa araw mismo ng paggawa May 1, 2021

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kasabay ng isasagawang job fair ng ahensya katuwang ang ilang departmento ng pamahalaan sa araw ng paggawa ay magsasagawa rin ng pagbabakuna sa ilang manggagawa.

Pangunahin na rito ang mga Overseas Filipino Workers (OFW), seafarers at kabilang sa essential services.

Ayon kay Labor Sec. Bello, ang hakbang na ito ay para matulungang gumalaw ang ekonomiya ng bansa.

--Ads--

Hindi naman lahat ay mababakunahan dahil magdedepende lamang sila sa maibibigay na alokasyon.

Magiging katuwang naman nila sa isasagawang job fair ang mga employers lalo na sa mga hotels, restaurants at transportation dahil sila ang pinakaapektadong sektor sa nararanasang pandemya.

Bahagi ng pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III