--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaabangan ngayon kung magkakaroon ng pagbabago sa sistema ng U.S. Police Department kasunod ng guilty verdict sa isang dating pulis na nakapatay sa Black-American na si George Floyd.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jon Melegrito, News Editor sa Washigton DC na labis ang kasiyahan ng lahat lalong-lalo na ang pamilya ni Floyd sa naging hatol ng korte kay Derek Chauvin.

Aniya, dahil sa naturang desisyon ay napigilan ang mga nagtatangkang gumawa ng riot.

Ito rin ang dahilan kaya nagsara ang mga negosyo at mga paaralan dahil inasahan na ng mga tao na kung mali ang magiging desisyon ng korte ay siguradong sisiklab ang riot o kaguluhan.

--Ads--

Sa kabila naman ng naturang desisyon ay matagal pa ring mawawala ang culture of racism sa police department sa Amerika kaya aabangan nila kung magkaroon ng pagbabago sa kanila.

Bahagi ng pahayag ni Ginoong Jon Melegrito