CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng ride for a cause ang Isabela Pro Riders club sa unang araw at ikalawang araw ng Mayo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay ginoong Joey Tejada ang founding chairman ng Isabela Pro Riders Club sinabi niya na ang orihinal na petsa ay April 24 at 25 subalit ipinagpaliban ito bilang pagtalima sa panibagong quarantine protocols na inilabas ng Inter Agency Task Froce.
Aniya inorganisa nila ang Isabela North Loop 2021 na inihango sa Proyekto ni Regional director Police Brig. Gen.Crizaldo Nieves kung saan nagiikot siya sa ibat-ibang bayan at nagpapatayo ng pabahay para sa mga homeless benificiaries.
Ayon kay ginoong Tejada , inadopt nila ang naturang proyekto sa tulong na rin ni PCapt. Jhun Figarola ang dating chief of Police ng Quirino Municipal Police station bilang project proponent.
Aniya nag kausap sila at dahil sa kagustuhang makatulong ay lumikom sila ng pondo para sa dalawang benipisyaryo ng kanilang pabahay sa pamamagitan ng ilulunsad na Isabela North Loops 2021.
Dalawa ang kanilang napiling benipisyaryo na pawang mga residente ng Barangay San Mateo Quirino Isabela sa katauhan nila Lola Feliciana Gumangan at ang dalawang kambal na mula sa purok Uno.
Sa kasalukuyan ay sinimulan na ang pagtatayo ng bahay ng mga benipisyaryo na puntiryang matapos sa loob ng dalawang linggo bago ang Isabela North loop 2021 sa May 1 at 2.
Plano ng Isabela Pro riders club na imbitahan si Brig. Gen. Nieves at Ginoong Figarola para sa pagpapasinaya sa pabahay para sa kanilang dalawang benipisyaryo.
Tinatayang nasa isang libong kilo metro ang tatakbuhin ng mga lalahok na riders,4 wheels,single motorcycle at mga big bike Enthusiast.
Ang lahat ng mga riders na lalahok ay iikot sa buong norte kung saan dadaanan ang mga probinsiya ng Isabela, nueva Vizcaya,Nueva ecija, Pangasinan, La union, Ilocos sur,ilocos Norte at Cagayan.
Inihayag niya na well coordinated ang kanilang ride for a cause sa mga PNP provincial Offices at Provincial governments na madadaanan at passing through lamang ang lahat ng mga riders sa naturang mga probinsiya.
Aniya, may ibibigay silang certification at Identification cards na siyang ipapakita sa mga boarder check points ng bawat probinsiya.
Sa kasalukuyan ay nasa halos siyamnaraang riders na o participants na ang inaasahang makikiisa sa kanilang proyekto.
Samanatala, dahil naman sa pagpapatupad ng GCQ bubble sa lunsod ng Cauayan ay pinayuhan ang mga magmumula Cagayan na dumaan sa Sta Maria, Quezon, Roxas going santiago habang ang mga magmumula sa Nueva Vizcaya at Santiago ay maaaring dumaan sa San Mateo via Roxas going Cagayan.
Para naman sa kapakanan ng mga riders na mula sa Lusod ng Cauayan, nakatakda silang magpadala ng coordination letter kay Mayor Bernard Dy sa araw ng Lunes.