--Ads--

CAUAYAN CITY Dinakip ang isang lalaki dahil sa pamboboso sa kanyang kapitbahay sa Echague, Isabela.

Ang suspek ay 32 anyos, hiwalay sa asawa at isang construction worker.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binosohan ng suspek ang kanyang kapitbahay sa pamamagitan ng pagkuha ng video ngunit nakita ito ng biktima.

Inagaw niya ang cellphone na gamit ng suspek na kumaripas ng takbo.

--Ads--

Agad na humingi ng tulong ang biktima kaya nahuli ang lalaki.

Noong una ay hindi umamin ang suspek na nagtungo pa sa lugar at hinanap ang cellphone dahil nawawala umano ito.

Tumawag naman ng mga pulis ang kanilang mga kapitbahay at umamin din siya sa Echague Police Station.

Batay sa pagsusuri sa kanyang cellphone, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na binosohan niya ang biktima at may iba pang sinilipan.

Iginiit naman ng lalaki na ito pa lamang ang unang pagkakataon na ginawa niya ang paninilip.

Sinapi pa hindi naman niya ibinebenta ang mga video na kanyang nakukuha.

Ang pahayag ng suspek sa pamboboso

Inihahanda na ng Echague Police Station ang mga kasong isasampa laban sa suspek na labis umano ang pagsisisi.

Nasamsaman din ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isinagawang body search ng mga pulis.