--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang security guard na nagpanggap na pulis at nangikil sa may-ari ng computer shop sa  isinagawang entrapment operation  sa Barangay  District 4.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major  Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station na ang pinaghihinalaan ay si Joemar Calara  , tatlumput isang taong gulang, may-asawa,  Security Guard at residente Binguang, San Pablo, Isabela

Ang magkasanib na puwersa ng Tumauini Police Station at  Prov’l. Iintelligence Unit ng  Isabela Police Provincial Office ay nagsagawa ng entrapment operation laban sa pinaghihinalaan na naaktuhang tinatanggap ang  pre-marked money  mula sa nagrereklamo na si Joash Astudillo Salvador,may-ari ng computer shop.

Nasamsam din sa pinaghihinalaan ang   green belt bag  kung saan inilagay ang  Pre-marked money  na isang  genuine 500.00 peso bill, apat na piraso ng  1,000.00 boodle money, isang  500.00 pesos  boodle money,isang  unit  ng Homemade pistol shotgun, isang  hand grenade,tatlong bala ng  12 gauge   shotgun at  transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana

--Ads--

Nauna rito ay nagtungo ang pinaghihinalaan sa computer shop ni Salvador at nagpanggap na si Police officer Jay Tamang  na nakatalaga sa Regional Intelligence Division PRO 2  at hiningan ng limang libong piso ang biktima  kapalit umano ng patuloy na operasyon ng kanyang  internet shop.

Nagduda anya ang may-ari ng computer shop  sa pinaghihinalaan kayat nagsumbong sa mga pulis na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Ang bahagi ng pahayag ni Police Major  Rolando Gatan.