--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtutulungan ang mga Filipino organizations sa bansang India sa paglaban sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sinabi ni Bombo Correspondent Kenneth Mae Clapano ng Bangalore City, Karnataka India na sa pamamagitan ng mga organisasyon o grupo ay nagtutulungan ang mga Pilipino doon upang maging ligtas sa COVID-19 gaya ng pagbibigayan ng impormasyon kung may nagpositibong myembro at kung saan kukuha ng gamot o oxygen.

Aniya, malaking tulong din ang mga Non-Government Organizations (NGOs) sa pagbili ng mga gamot na mahirap nang hanapin dahil sa dami ng nagpopositibo sa nasabing bansa.

Nasa dalawampung pinoy na ang tinamaan ng virus sa New Delhi habang may ilan din umanong pamilya na tinamaan sa Bangalorre gaya ng bayaw at hipag ni Bombo Correspondent Clapano.

--Ads--

Pinadalhan din ng grupo ang 20 Filipino na nagpositibo sa New Delhi ng mga gamot, gatas ng bata, pagkain maging pera na panggastos nila habang nagpapagaling.

Umaabot sa 20,000 kada araw ang naitatala sa bahagi ng Bangalore lamang habang sa Delhi ay hindi na kinakaya ng mga crematorium ang dami ng nasasawi kaya napilitan silang isailalim sa massive cremation sa open areas.

Ang pahayag ni Bombo Correpondent Kenneth Mae Clapano

Nakalulungkot aniya ang pagdami ng kaso ng virus sa India dahil hindi ito napaghandaan ng publiko at ng pamahalaan.

May mga bansa na ring tumulong sa India upang malutas ang kakulangan sa ospital na paglalagyan sa mga nagpopositibo maging ang oxygen na lubhang kailangan ng mga ito.

Tiniyak ni Clapano na maingat ang mga Pinoy sa nasabing bansa at nanawagan din siya sa mga Pinoy sa Pilipinas na seryosohin ang virus at huwag masyadong kumpiyansa.

Ang pahayag ni Bombo Correpondent Kenneth Mae Clapano