--Ads--

CAUAYAN CITY – Lubos na naapektuhan ang sektor ng turismo sa bansa dahil sa mga travel restrictions lalo na sa NCR plus bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sinabi niya na ang turismo ay non-essential ngunit tuluy-tuloy na sana ang pagbangon nito kung hindi muli ipinatupad ang lockdown dahil sa mga bagong variant ng COVID-19.

Dito sa region 2 aniya ay bumagsak ng 95% ang overnight travel mula noong magsimula ang COVID-19 pandemic.  

Mula sa mahigit 945,000 noong 2019 ay naging   44,000 na lamang noong 2020.

--Ads--

Dahil bumaba ang bilang ng mga  traveller ay bumaba rin ang kita ng mga apektadong establisimiyento tulad ng mga hotel at bahay kainan .

Ayon kay Kalihim,  mula sa 5.7 million  workers sa tourism industry ay 4.8 million naapektuhan mula nang ipatupad ang  lockdown noong 2020.

Pangunahing naapektuhan ang NCR plus na nasa MECQ ngayon habang bukas ang turismo sa Visayas at Mindanao dahil maaaring umikot ang mga taga-Visayas sa Mindanao at gayundin ang mga taga-Mindanao ay maaaring magtungo sa Visayas

Ayon kay Kalihim Puyat, mahalaga ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para muling umusad ang industriya ng turismo dahil may proteksiyon na ang mga tourism workers.

Kapag dumating aniya ang dagdag na bakuna sa region 2 ay kasama na sa mga mababakunahan ang mga  manggagawa sa turismo na kabilang sa A4 priority list.

Ayon kay Kalihim Puyat, sa ilalim ng Bayanihan 2 ay nabigyan ng 5,000 na ayuda ang mga nawalan ng trabaho sa ilalim ng mga tourism workers na  accredited ng  DOT at mga LGU licensed na hotel, inn at iba pang tinutuluyan ng mga turista.

Sa mga LGU licensed ay kabilang ang mga  masahista, tricycle  driver at  kutsero na  naghahanapbuhay dahil sa mga turista.

Sinabi pa ng kalihim na umabot na sa 2.3 billion na pondo ang naibigay na ayuda sa  465,530 na tourism workers.

Sa region 2 ay 17,127 ang mga benepisaryo mula sa   85.6 million pesos na pondo.

Sa ilalim din ng Bayanihan 2 ay naglaan ang pamahalaan ng  6 billion pesos na  pautang sa ilalim ng CARES for travel

Ang loan sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) ay babayaran ng recipient sa loob ng apat na taon, may isang 1 year grace period,  zero interest  at zero collateral.

Sinabi naman ni Acting Regional Director Fanibeth Domingo ng DOT region 2 na  naging masigasig ang kanilang accrediattion team sa pagbisita sa mga accredited at non-accredited tourism accomodation facilities.

Sa unang quarter aniya ay 92 ang nabigyan ng akreditasyon ngunit nadagdagan ito at naging 147   ang nabigyan ng Provisional Certificate of Authority to Operate.

Ayon kay Regional Director Domingo, bumaba ng 95% ang mga turista sa ikalawang rehiyon kumpara noong 2019 na wala pang COVID-19.

Ang pahayag ni Regional Director Fanibeth Domingo.