--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa Critical level na ang supply ng dugo sa blood bank ng Philippine Red Cross Isabela (PRC) Isabela  Chapter.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Josie Stephany Cabrera, administrator ng PRC Isabela Chapter, sinabi niya na bagamat itinuturing ang buwan ng Abril at Mayo  bilang lean months  ngunit bunsod  ng patuloy na banta ng  COVID-19 mula noong nakaraang taon ay nakakaranas na sila ng mababang supply ng dugo hindi lamang sa Isabela kundi maging sa buong bansa.

Aabot na sa dalawang linggo na  nararanasan ng PRC Isabela  ang mababang tustos ng dugo subalit mataas ang demand.

May ilang  blood letting activities noong buwan ng Abril ang naantala dahil sa bagong quarantine restriction.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay ipinapatupad nila ang patient direct, ang nangangailangan ng dugo ay pinagdadala ng donor.

Bawat araw ay umaabot sa sampu hanggang  20 indibidual na nangangailangan ng dugo ang tumatawag o nakikipag-ugnayan sa kanilang tanggapan at karamihan ay mga dialysis patient at mga sasailalim sa operasyon.

Dahil dito ay umapela ang PRC Isabela chapter sa publiko na mag-donate ng dugo sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang tanggapan sa Lunsod ng Ilagan.

Ang pahayag ni PRC Isabela Administrator Josie Stephany Cabrera