--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang lineman matapos na makuryente habang ikinakabit ang cutout ng isang transformer sa San Carlos, San Fermin, Cauayan City.

Ang biktima ay si Russel Flores, 36 anyos, may asawa, lineman sa Isabela Electric Cooperative (Iselco) 1 at residente ng Dalenat, Angadanan, Isabela habang ang suspek ay si Jayson Orenia, 28 anyos, binata, welder at residente ng Tandol, Cabatuan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumalabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na bago ang insidente ay nakipag-ugnayan ang biktima at kasama nito kay Engr. Dennis Cruel para i-shut down muna ang transformer na naka-konekta sa electric post sa naturang lugar.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkakabit ng cutout si Flores ay binuksan umano ng suspek ang generator sa loob ng ginagawang residential building sa lugar dahilan para makuryente si Flores.

--Ads--

Naisugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Sinikap ng Bombo Radyo Cauayan na kunan ng pahayag ang pinaghihinalaan subalit tumangging magbigay ng komento sa naturang pangyayari.