--Ads--
CAUAYAN CITY – Nagluluksa ngayon ang pamilya ng isang binata na nasawi matapos na umano’y magbigti sa Naganacan, Sta. Maria, isabela .
Ang nagpakamatay ay 26 anyos na binata at residente rin ng nabanggit na barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng tawag ang Sta. Maria Police Station mula sa isang concerned citizen hinggil sa naturang insidente na agad nilang tinugunan.
Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, patay na nang matagpuan ng kanyang kapatid ang lalaki na nagbigti sa isang puno ng mangga.
--Ads--
Isinailalim naman sa post mortem examination ang katawan ng lalaki habang patuloy ang pagsisiyasat ng Sta. Maria Police Station sa naturang pangyayari.











