
CAUAYAN CITY – Isa na namang plantasyon ng marijuana ang natagpuan at nasira ng mga otoridad sa bahagi ng Mt. Chumanchil sa Tinglayan.
Umabot sa mahigit apatnapung milyong piso ang halaga ng puno ng marijuana ang natagpuan sa isinagawang apat na araw na marijuana eradication operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-CAR, Kalinga Police Provincial Office, RID at RDEU PROCOR, 1502 RMFB15, 1503 RMFB15, at Pangasinan PPO sa ilalim ng OPLAN “FIREFLY” kung saan nadiskubre ang tatlong marijuana plantation sites sa Mt. Chumanchil, Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Sa kabuuan umabot sa 88,400 na puno ng marijuana, 165 kilos ng marijuana dried leaves, 60 kilos ng marijuana seeds at 15 kilos of marijuana stalks na may standard drug price na P40 milyon,780 thousand pesos ang nasunog sa kabuuang 8,900 square meters na plantasyon.
Wala namang naabutang nagmamay ari o cultivator ang mga otoridad sa kanilang isinagawang operasyon sa nasabing lugar.










