--Ads--

CAUAYAN CITY– Naging emosyonal at mariing itinatanggi ng isang lalaki sa ang umanoy pagtutulak nito ng hinihinalang dahon ng Marijuana sa Taguinod St, Purok 5 Barangay Calao East, Santiago City.

Sa nakuhang na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa SCPO Station 1, ang pinaghihinalaan ay si Bryson Dela Cruz , 25 anyos, binata , isang key duplicator, at residente ng Barangay Rosario, Santiago City.

Si Dela Cruz ay kabilang umano sa Street Level Individual List ng mga awtoridad.

Sa pagtutulungan ng Station Drug Enforcement Unit ng Presinto Uno, Regional Drug Enforcement Unit 2, City Drug Enforcement Unit at ng PDEA Rregion 2 ay isinagawa ang isang anti-illegal drug buy-bust operation na nagresulta naman sa pagkakadakip ng pinaghihinalaan .

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang pinatuyong dahon ng Marijuana na nakasilid sa isang nakatuping papel na ibebenta sana sa police poseur buyer kapalit ng limang daang piso.
Mariin namang itinatanggi ng pinaghihinalaan na sa kanya ang nakuhang dahon ng marijuana ng mga pulis.

Ayon sa pinaghihinalaan, nagulat na lamang siya nang makita ang marijuanang nakasilid sa papel.

Mangiyak iyak na iginigiit ng suspect na hindi galing sa kanya ang nabanggit na illegal na droga.

Ayon pa kay Dela Cruz wala umanong naganap na abutan ng illegal na droga at akala lamang niya ay mag-aayos siya ng sasakyan sa nabanggit na lugar para magkaroon ng extra income.

Sa kabila na mariin ang pagtanggi ng pinaghihinalaan na hindi sa kanya ang nakuhang marijuana ay mahaharaop pa rin siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).