CAUAYAN CITY – Isa ang patay, isa ang nasugatan matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa daan sa Pangal Norte, Echague, Isabela.
Ang nasawi ay si Rufino Bayan, 29 anyos, residente ng Malannit, Jones, Isabela habang nasugatan ang kanyang angkas na si John Felord Dacusin, 24 anyos at residente ng San Fabian, Echague, Isabela.
Ayon kay Myra Concepcion Zamora, sinusundan ng kanyang minamanehong sasakyan ang motorsiklong sinakyan ng mga biktima.
Napansin niya na may nahulog ang mga biktima kayat nagmenor siya ng kanyang sasakyan.
Sa bilis aniya ng takbo ng motorsiklo ay sumadsad sa buhangin na nasa kanang bahagi ng kalsada saka dumiretso at bumangga sa puno ng niyog na naging sanhi pagka-aksidente ng mga biktima.
Tumilapon ang mga biktima matapos bumangga sa puno ng niyog sanhi para bawian ng buhay si Bayan habang nasugatan ang kanyang angkas na si Dacusin na nasa mabuti nang kalagayan






