--Ads--

Patuloy na pinaghahandaan ng NIA MARIIS ang kanilang maagang pagpapalabas ng patubig para sa susunod na cropping season.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Josue Sabio, ang Acting Dept. Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na patapos na ang kanilang preventive maintenance tulad ng pagkumpuni sa kanilang mga gauges.

Nasa walumpung bahagdan na ang naaayos ng NIA sa mga Concrete Canal Lining at may iba pang kasalukuyan pa ang pagkukumpuni.

--Ads--

Kailangang matapos ng mga contractors ang pagkumpuni bago ang ikadalawamput tatlo ng Mayo.

Ayon sa NIA mataas pa rin ang suplay ng tubig sa Magat Dam dahil nasa 187 meters ang elevation nito.

Kapag nakapagpalabas ang NIA sa lebel na 185 meters ay mataas na para sa wet cropping season.

Inaasahan na ang mga pag ulan sa susunod na mga buwan kaya hindi problema ang suplay ng tubig para sa irigasyon.

Pinayuhan naman ng NIA MARIIS ang mga magsasaka na nasasakupan ng mga irigasyon na tiyaking malinis ang mga kanal papasok sa kanilang mga sakahan upang maganda ang daloy ng tubig.

Ang bahagi ng pahayag ni Engr. Josue Sabio.