--Ads--

CAUAYAN CITY – Matagal nang hinihintay ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG ang pagdeklara ng pamahalaan ng State of Calamity dahil sa Afrcan Swine Fever o ASF.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Rosendo So, ang Presidente ng SINAG, nagpapasalamat sila sa Committee on Agriculture ng Senado at ng iba pang senador na tumulong para ipasa ang State of Calamity na kanilang hiniling kay Pangulong Duterte.

Aniya isang taon at pitong buwan ang kanilang hinintay bago ito ideklara.

Kung mas maaga sana umano ang pagapruba ay mas naagapan ang pagkalat ng ASF sa bansa.

--Ads--

Matagal ding naibababa ang pondo ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA  para sa mga naapektuhang backyard hog raisers dahil hanggang ngayon ay may utang pang kailangang bayaran ang kagawaran.

Umaasa ang SINAG na matutupad ang pangako ng DA na maghihigpit sa border checkpoints ng bansa upang hindi na makapasok pa ang virus hindi lamang ng ASF maging ang mga sakit ng manok, sa mais at iba pang produktong agrikultura ng bansa.

Kailangang mabilis din ang pagbayad ng Kagawaran sa indemnification ng mga apektadong hog raisers upang mapabilis ang kanilang pagbangon at mapabilis din ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Kailangan ngayong bantayan ang mga frozen meat na ibinibiyahe sa mga lugar hindi lamang ang mga live weight.

Ayon kay Engr. So malaki na ang naitulong ng mga LGUs sa pagbabantay sa mga borders upang hindi sana makapasok sa kanilang nasasakupan ang ASF kahit hirap silang maagapan.

Nakadepende naman sa magiging aksyon ng DA kung paano ang paggamit nito sa Quick Response Fund upang makarekober ang bansa.

Kailangan ang suporta ng DA  sa Local Iindustry dahil hindi solusyon ang pag import.

Ang bahagi ng pahayag ni Engr. Rosendo So, ang Presidente ng SINAG