CAUAYAN CITY- Isang rebelde ang nagbalik loob sa pamahalaan at tinalikuran na ang grupong CPP-NPA-NDF sa Purok 5, Barangay Villa Flor, Cauayan City
Ang nagbalik loob sa pamahalaan ay si Alias Kikoy, 32 anyos, magsasaka, residente ng Cauayan City.
Si Alyas “Kikoy” ay dating kasapi ng Central Front Reynaldo Piñon command sa ilalim ni Gerome mula 2010 hanggang 2014.
Ang dating rebelde ay nagsuko ng Improvised 12 Gauge shotgun na may markang RMF, walang serial number at may dalawang live shot shells.
Boluntaryong sumuko si Alias “Kikoy” bilang resulta ng pinaigting na pagpapatupad ng programang “Sustaining the Advocacy to Grind Insurgency in the Province” o SAGIP NG Isabela Police Provincial Office katuwang ang 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company , Provincial Intelligence Unit-Communist Terrorist Group Tracker Team, 141SAC, 14thSAB, PNP Special Action Force, 95th IB, Regional Intelligence Unit 2, Tactical Operation Group 2, Tactical Operation Wing Northern Luzon at Cauayan City Police Station.











