--Ads--

CAUAYAN CITY– Naging panauhing pandangal si Lt. Gen. Jose Faustino Jr.,Acting Commander ng Philippine Army sa isinagawang simpleng selebrasyon ng 40th Founding anniversary ng 5th Infantry Division Phil. Army sa Camp Melchor Dela Cruz sa Barangay Upi, Gamu, Isabela.

Naging mabilisan lamang ang selebrasyon at pagdalaw ni Lt. Gen. Jose Faustino Jr. sa 5th ID.

Sa kanyang ibinigay na mensahe ay pinasalamatan ni Lt. Gen. Faustino ang mga stakeholders, Local Government Units at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Binigyang diin din nito ang pangunahing mandato ng mga sundalo na paglaban sa insurhensiya.

--Ads--

Naging highlights din sa pananalita ni Lt. General Faustino ang mga naging accomplishments ng mga nagdaang taon pangunahing na sa rehiyon dos na nasasakupan ng 5th ID.

Inalala pa kay Lt. Gen. Faustino na matinding suliranin ang insurhensiya sa rehiyon dos ngunit sa paglipas ng mga taon ay unti unti nang sumusuko sa pamahalaan ang mga rebelde.

Si Lt. General Faustino ay naging bahagi ng 5th ID noong 1990s na dating naging pinuno ng isang Brigada hanggang mailipat sa ibang dibisyon.

Bahagi ng pahayag ni Lt. Gen. Jose Faustino Jr