--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng DA Region 2 ang Swine Repopulation and Recovery Program dahil sa epekto ng African Swine Fever o ASF sa Rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo, sinabi niya na magandang bumisita ang Undersecretary ng Livestock sa Rehiyon dahil maituturo nito ang Integrated Swine Production Initiative for Recovery and Expansion o ang tinatawag na INSPIRE.

Sinalihan ito ng mga stakeholders ng DA  Region 2 tulad ng mga commercial farms, mga Coop Farm Hograisers, Pilippine Crop Insurance, mga asosasyon ng mga hograisers sa Cagayan Valley at ibat ibang mga bangko.

Maituturo ang calibrated repopulation process matapos ang pananalasa ng ASF sa Rehiyon.

--Ads--

Napagusapan din sa nasabing programa ang component ng repopulation ng baboy.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo, hindi basta basta bubuksan ang pag aalaga ng baboy dahil kailangang dumaan sa maraming proseso tulad ng cleansing at disinfection sa mga babuyan lalo na sa mga idineklarang ground zero ng ASF.

Aniya kailangan dito ang pagtutulungan ng Kagawaran at ng mga LGUs na maraming naitalang kaso ng ASF.

Pagkatapos ng Disinfection ay magkakaroon ng environmental swabbing o ang pagkuha ng sample sa mga kulungan ng baboy upang malaman kung mayroon paring natitirang virus.

Kapag walang nang nadetect na virus ay saka ibibigay ang mga sentinel pigs ng DA na oobserbahan sa loob ng apatnapung araw.   kapag wala nang ASF sa kulungan ay maaari nang muling magalaga ang mayari.

Maliban dito ay hinihikayat din ng DA ang mga LGUs na magkaroon ng Bantay ASF sa Barangay Program o BABAY ASF.

Ito ay ang monitoring na isinasagawa sa mga barangay upang matiyak na hindi na muling makapasok pa sa lugar ang ASF.

Hiniling din nilang gawing sementado ang mga kulungan ng mga hograisers upang mas madali ang disinfection.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo malaking tulong din ang mga alok na loan ng mga bangko para sa repopulation ng baboy sa rehiyon at maibalik na ang suplay at presyo nito sa merkado.

Inaasahang sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo ay magsisimula na ang repopulation ng DA Region 2 at  idedeliver na ang mga baboy sa mga hograisers.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo.