--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi na pinalawig ang universitywide lockdown sa Isabela State University (ISU) System na nagsimula noong katapusan ng Marso 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Ricmar Aquino, presidente ng ISU System na naglabas na siya ng memorandum order na nagtatanggal sa lockdown sa buong ISU system.

Kung maalala ay may mga kasamahan silang nagpositibo sa virus at mayroon ding mga pumanaw kaya minabuti nilang isailalim sa lockdown ang buong ISU.

Ayon kay Dr. Aquino, batay sa report sa kanya, halos lahat ng mga campus ay maayos na at iilan na lamang ang naka-quarantine na kawani.

--Ads--

Sa lunes ay babalik na ang kanilang mga kasama ngunit 50% lamang habang ang iba ay work from home.

Ang mga faculty member ay hindi na nirequire na pumasok kaya sa kanilang mga bahay na lamang ipagpatuloy ang kanilang online na pagtuturo.

Ang pahayag ni Dr. Ricmar Aquino