CAUAYAN CITY– Nagsimula na ang vaccination roll out sa 8 vaccination site sa Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Nareta Maximo, Chief of Nurse ng Cauayan City Health Office sinabi niya na kabilang sa mga itinalagang vaccination sites ang barangay San Fermin, Barangay Minante Uno, Barangay Minante Dos, Nungnungan dos para sa buong Tanap Region, Baringin Sur para sa West Tabacal, District 2 para sa Poblacion area at Villa Luna para sa East Tabacal at Forest Region.
Aniya puntiryang mabigyan ng Astrazeneca Vaccines ang mga senior citizen, mga frontline workers, at BHERTS na kabilang sa A1 priority group.
Ayon,kay Chief Nurse Maximo, nagtungo sa mga vaccination sites amh mga nais na mabakunahan.
Puntirya nilang mabakunahan ang nasa 150 sa bawat vaccination sites dahil kailangan nilang mabakunahan ang 2,500 vaccinee mula ngayong araw hanggang May 21, 2021.
Karamihan sa mga nabakunahan ngayong araw ay kabilang sa kanilang masterlist o ang mga indibiduwal na nagpahayag ng kanilang kagustuhan na mabakunahan kontra COVID-19 .
Tinatanggap naman ang mga walk in vaccinee basta kabilang sa kanilang target benificiary o A1 priority group.
Gumagawa na rin sila ng ibat ibang hakbang para mas mapabilis pa ang kanilang vaccination roll out.
Hindi naman maiiwasang may mga magpapabakuna na urong-sulong dahil sa mga naglalabasang ulat may kaugnayan sa bakuna ng Astrazeneca gayunman tiniyak ni Chief Nurse Maximo na dumadaan sa screening ang mga mababakunahan bago mabigyan ng kanilang unang dose ng Astrazeneca vaccine.
Kapansin pansin ang napaka babang turn out sa vaccination para sa mga A1 priority group partikular sa mga kasapi ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERTS) .
Aniya mula sa 400 BHERT members ay nasa 20% hanggang 25% lamang nila ang nabigyan ng bakuna.
Dahil dito ay binigyan na sila ng mandato na tapusin na ang vaccination roll out sa A1 priority group para masimulan na ang pagbabakuna sa mga susunod pang target beneficiaries.
Sa kabila nito ay hinikayat niya ang mga target beneficiaries na samatalahin ang kasalukuyang rollout ng libreng bakuna kontra COVID-19.











