--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ng limang kaso ng Variants of Concern o VOCs ang lalawigan ng Cagayan mula sa labinlimang kaso sa ikalawang rehiyon mula sa lokal at Returning Overseas Filipinos o ROFs.

Napag-alaman na tatlong kaso ang naitalang UK variant, isa sa Peñablanca mula sa local transmission at dalawa sa lunsod ng Tuguegarao na mula  sa mga ROFs.

Samantala, isa namang ROF sa bayan ng Baggao ang naitalang kaso ng South African variant.

Ayon sa DOH, natuklasan ang mga variants na ito sa nasabing limang kaso matapos na maipadala ang mga specimen sa Philippine Genome Center at naisalang sa genome sequencing.

--Ads--

Kinumpirma ng DOH na gumaling na ang mga nasabing pasyente na nakitaan ng VOCs.

Ayon sa DOH, ang nasabing UK variant ay mas mabilis kumalat kumpara sa ibat bang variant ng Covid-19.

Ito rin umano, ang posibleng naging dahilan ng paglobo ng kaso ng virus sa mga lugar kung saan ito nagkaroon.

Sa ngayon, lumiliit na ang naitatalang nagpopositibo sa lungsod kada araw at tatlumpot lima  na lamang kada isandaang libong  indibidwal ang nagpopositibo sa loob ng isang araw.

Nasa 1,450 pa rin ang aktibong kaso sa buong lalawigan ng Cagayan, at pitong daan at dalawa  ay mula sa lunsod ng Tuguegarao.