--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang construction worker matapos na makuryente sa Batal, Santiago City.

Ang biktima ay si Alex Lopez, 28-anyos, may asawa, construction worker at residente ng Abra, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Santiago City Police Office (SCPO) Station 1, aakyat sana ang biktima at maaring hindi niya napansin ang live wire na nakakabit sa dulong bahagi ng tuntungan.

Nakuryente ang biktima sanhi upang mahulog sa sementadong bahagi ng lugar at mabagok ang kanyang ulo.

--Ads--

Naitakbo pa sa isang pagamutan sa Echague, Isabela si Lopez ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.