--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga awtoridad ang isang wanted person na may kasong panggagahasa sa Aguinaldo, Naguilian, Isabela.
Ang akusado ay si Freddie Dagdag, 49-anyos, may asawa, laborer at residente ng nabanggit na lugar.
Sa pangunguna ng Naguilian Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj. Merwin Villanueva ay dinakip ang akusado sa bisa ng mandamiento de arresto na ipinalabas ni Hukom Andrew Barcena ang preciding judge ng RTC Branch 17 Ilagan City Isabela sa kasong 2 counts of rape na may inirekomendang piyansa na P200,000 para sa unang kaso habang walang inirekomendang piyansa sa ikalawang kaso.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon at disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.
--Ads--










