--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang vendor sa drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Turod Sur, Cordon, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si Aljay Tolentino, 19-anyos, binata, vendor at residente ng Alicaocao, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sa pangunguna ni PCapt. Grandeur Tangonan, OIC Station Commander ng Cordon Police Station at koordinasyon sa PDEA Region 2 ay ikinasa ang anti illegal drug buy-bust operation laban sa pinaghihinalaan.

Nakipagtransaksyon ang pinaghihinalaan sa pulis na nagsilbing buyer bitbit ang isang pakete ng hinihinalang ilogal na droga kapalit ng P1,000.

--Ads--

Nakuha rin sa pag-iingat ni Tolentino ang 3 sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana, isang sachet ng hinihinalang shabu, 4 na piraso ng open plastic sachet, 3 piraso ng aluminum foil, P1,000 na marked money, isang unit ng improvised steel pipe firearm, 2 piraso ng 12-gauge cartridge, lighter, cellphone at sling bag. 

Hindi naman itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot sa pagtutulak ng iligal na droga subalit nanindigan na wala siyang alam sa armas na nakuha sa kanyang pag-iingat.

Si Tolentino ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na kabilang sa Street Level Individual List at Directorate for Intelligence (DI) Watchlist ng mga awtoridad.