--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 Recoveries sa Santiago City na pumalo na sa higit apat na libo.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamahalaang lunsod ng Santiago, kumpara sa mga nakaraang buwan ay mas marami ang naitatalang gumagaling ngayon kung ikukumpara sa bilang ng mga naidaragdag na bagong kaso.
Kagabi ay tatlo lamang ang panibagong kaso habang 17 naman ang bagong gumaling at walang naitalang nasawi.
Dahil dito, mayroon ng 4,207 na kabuuang kaso ng COVID-19 sa lunsod ng Santiago, 4,060 ang gumaling, 34 ang aktibong kaso habang 113 ang nasawi.
--Ads--
Patuloy pa rin ang paghimok ng mga kinauukulan sa publiko na doblehin ang pag-iingat at palaging tumugon sa mga health protocols para makaiwas sa virus.










