--Ads--

CAUAYAN CITY – Pumalo na sa limampu’t walo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa San Mateo, Isabela.

Sa kasalukuyan ay mayroong 634 na total confirmed cases ang San Mateo, 537 ang gumaling habang 39 ang COVID-19 related death.

Patuloy pa rin ang paalala sa publiko na patuloy na mag-ingat sa pagpunta sa mga pampublikong lugar tulad ng pamilihan.

Matatandaan na pansamantalang isinara ang pamilihang bayan ng San Mateo pangunahin na ang Wet Section para bigyang daan ang isasagawang disinfection.

--Ads--