--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihahanda na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang ikalawang bugso ng ayuda para sa 63,000 pamilya na apektado ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa nagig panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jun Pagbilao, Provincial Social Welfare and Development Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino, sinabi niya na ano mang araw mula ngayon ay sisimulan na nilang ipamahagi ang ayudang bigas sa mga apektadong pamilya.

Noong unang bugso ay halos 61,000 pamilya ang kanilang nabigyan subalit sa ikalawang bugso ay nagdagdag sila dahil sa mga naitalang bumukod na ng bahay at mga balik probinsya na nawalan ng trabaho sa ibang lugar.

Aniya, bigas lamang ang ipinamamahagi nilang ayuda dahil ito ang pangunahing pangangailangan ng mga residente na nagmula mismo sa pondo ng pamahalaang panlalawigan.

--Ads--

Kaugnay nito nakatakdang magpulong ang Provincial Task Force upang magsagawa ng assesment kung kailangan pang palawigin ang MECQ status sa lalawigan o hindi na.

Tinig ni Provincial Social Welfare and Development Officer Jun Pagbilao.