--Ads--

CAUAYAN CITY – Aminado ang Commission on Election (COMELEC) Cauayan na nabawasan ang bilang ng mga nagtutungo sa kanilang tanggapan para magparehistro dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Efigenia Marquez, kung noon ay umaabot sa 50-60 ang mga nagpaparehistro bawat araw ngayon ay nasa 20-30 na lamang.

Dahil dito pahirapan at mabagal ang registration sa lunsod dahil sa takot at pangamba ng mga mamamayan na lumabas sa kanilang bahay.

Bilang hakbang ay nagsasagawa na sila ng barangay Satellite Registration para mas mapadali ang pagpapatala ng mga gustong magparehistro.

--Ads--

Gayunman ay hinikayat pa rin niya ang publiko na magtungo sa kanilang tanggapan at huwag ng hintayin pa ang mga huling araw ng registration bago magpatala.

Tinig ni City Election Officer Efigenia Marquez.