--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ang anim na katao sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa hilagang Isabela.

Unang naaresto ang tatlong katao kabilang ang isang Ginang na pawang mga nasa wastong edad at residente ng Anao, Cabagan Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cabagan Police Station, ang pagkakadakip ng mga pinaghihinalaan ay resulta ng kanilang anti-illegal gambling operations sa naturang barangay at sila ay naaktuhang naglalaro ng tong-its.

Narekober sa lugar ang isang set ng baraha at bet money na P155.

--Ads--

Naaresto rin ang tatlong Ginang kabilang ang isang guro matapos na maaktuhang nagsusugal sa Arcon, Tumauini, Isabela.

Sa pangunguna ng Tumauini Police Station ay inilunsad ang isang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng mga pinaghihinalaan.

Nakuha sa lugar ang isang set ng baraha, bet money na P1,560, isang mesa at tatlong upuan.

Ang mga nadakip ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (anti-illegal gambling law).