--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsugatan ang isang ginang matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa gutter ng tulay sa lunsod ng Santiago.

Ang biktima ay si Jessica Tomas, 31-anyos, may asawa at residente rin ng Buenavista, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sa pagsisiyasat ng Santiago City Police Office (SCPO) Traffic Enforcement Unit, binabagtas ng biktima ang daan patungong Brgy. Sinsayon at nang mag-overtake sana sa sinusundang Wing Van Truck na minamaneho ni Erwin Casuga, 31-anyos, at residente ng Rizal, Santiago City ay bigla na lamang sumalpok sa gutter ng Bridge Ramp ang minamanehong motorsiklo dahilan para sumalpok din sa kanang bahagi ng sinusundang sasakyan.

Nagtamo ng malalang sugat sa katawan si Tomas na agad dinala sa pagamutan.

--Ads--