--Ads--

CAUAYAN CITY – Kritikal ngayon ang magkasintahan matapos na bumangga sa poste ng kuryente ang kinalululanan nilang motorsiklo sa Mabini, Santiago City.
Ang mga biktima ay sina Marino Visaya, 27-anyos, laborer at Angela Miguel, 15-anyos na kapwa residente ng Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sa pagsisiyasat ng Santiago City Police Office (SCPO) Traffic Enforcement Unit, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng motorsiklo kaya sumalpok sa poste ang kinalululanan ng motorsiklo at bumulagta sa daan.
Nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang dalawa at nawalan din ng malay na agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
--Ads--










