--Ads--

CAUAYAN CITY– Mahigpit na binabantayan ng Villaverde Police Station ang Viral Fire Tree na matatagpuan sa Barangay Bintawan Sur, Villaverde, Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Novalyn Aggasid, Hepe ng Villaverde Police Station, sinabi niya na patuloy na dinadayo ang kanilang lugar dahil sa nasabing viral fire tree.

Kinagigiliwan ngayon ng mga residente ang nasabing Puno na at sa nasabing lugar ay matatanaw din ang kabundukan ng Sierra Madre sa likurang bahagi nito na nagsisilbing background at kaaya-ayang Sunrise at Sunset View na pangunahing inaabangan ng mga bumibisita.

Ayon sa Hepe ng Pulisya matao ang nasabing lugar sa umaga at hapon kung saan makikita ang magandang tanawin ng kalangitan na nababagay sa kahel na kulay ng Puno.

--Ads--

Dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, binabantayan ng mga pulis at dinagdagan pa ang nagbabantay dahil sa dumaraming tao na bumibisita sa nabanggit na Lugar.

Naglatag na rin ng Quarantine Control Checkpoint sa nabanggit na lugar upang magabayan at masala ang mga taong pumapasok sa nasabing bayan.

Pangunahin aniyang binabantayan ng mga awtoridad ang nga bikers na maaring nagmumula pa sa labas ng probinsiya kaya naman hiling din ng pamunuan na sumunod sa mga minimum health protocol ang mga bibisita at hinimok na huwag nang isama ang mga maliliit na anak nang maiwasan ang posibleng exposure .

Ang bahagi ng pahayag ni PMajor Novalyn Aggasid