
CAUAYAN CITY – Nagdadalamhati ngayon ang pamahalaang lunsod ng Santiago dahil sa pagpanaw ng Assistant City Health Officer ng lunsod.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamahalaang lunsod, nag-alay ng taimtim na panalangin ang tanggapan bilang pakikiisa at pagdadalamhati sa pagpanaw ng Assistant City Health Officer ng lunsod na si Dr. Romanchito Bayang.
Bilang bahagi ng Gaddang community, nag-alay naman ng mourning ritual ang mga Gaddang leaders sa burol ng pumanaw na doktor na itinuturing na Gaddang pride.
Noong Biyernes nang mapaulat ang pagkasawi ng doktor at ang tinitignang dahilan ay cardiac arrest.
Inilarawan naman ang doktor ng mga kaanak at kaibigan nito na masayahin, mabait at magaling na manggagamot na minsan pang nabansagang Outstanding Physician sa isang pagkilala sa bansa.
Bukas ang nakatakdang libing sa isang pribadong sementeryo sa lunsod at sa huling gabi ng kanyang burol ay magaganap sa kanyang residential house.

Ipagpapatuloy naman ng City Health Office ang Aids Candle Light Ceremony na inorganisa ng namayapang doktor.










