--Ads--

CAUAYAN CITY – Sisimulan na sa lunsod ng Santiago ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabilang sa A3 category.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamahalaang lunsod ng Santiago, sisimulan na bukas, May 26 ang pagbabakuna sa mga kabilang sa A3 category alinsunod sa ibinabang guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF).

Kabilang sa mga ito ang may edad 18 hanggang 59 na may controlled commorbidity.

Isasagawa ang pagbabakuna sa North Central School na matatagpuan sa Brgy. Calao West.

--Ads--

Hinimok ng pamahalaang lunsod ang mga nais magpabakuna na kabilang sa nasabing kategorya na makipag-ugnayan sa kanilang health center.

Kaugnay nito ay tapos na rin ang pagbabakuna sa mga Senior Citizen sa lunsod.

Sa ngayon ay mahigit 10,000 na ang nabakunahan ng first dose sa lunsod ng Santiago batay sa talaan ng City Health Office (CHO).