
CAUAYAN CITY – Biglang sumipa ang COVID-19 patients sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, sinabi niya na nasa 106 ang confimred case at 35 ang suspect case na nasa kanilang panganaglaga sa kasalukuyan.
Pinakamarami pa rin sa naitalang confimed cases ng lalawigan ng Cagayan na may 81 habang 22 naman ang mula sa Isabela at 3 sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa 35 na suspect case ay 26 ang mula sa Cagayan at 7 ang mula sa Isabela.
Isa sa nakikitang dahilan ngayon ng CVMC sa biglaang pagsipa ng kaso ng COVID-19 ay ang pagkakatala ng local transmission at karamihan sa mga nagpopositibo ay sumasailalim sa home quarantine.
Bagamat lahat ng pasyente ay nasa moderate to mild cases isa ang naitala nilang severe case at kasalukuyang naka intubate.










