--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa malubhang kalagayan ngayon ang maglola matapos mabangga ng kanilang sinasakayang kulongkulong ang sinusundang kariton sa Brgy Mozzozzin Sur.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa tagasiyasat ng Sta. Maria Police Station na si PSMS Helmo David Furuc na ang mga sugatan ay sina Jerome Bagunu, dalawamput dalawang taong gulang, tsuper ng kulong-kulong residente ng nasabing Brgy at ang mga back rider nito na sina Jelita Bagunu, pitumpong taong gulang rsiente ng Poblacion 3 Sta Maria isabela  at Joyce Baguno 17-anyos residente ng Brgy Mozzozzin Sur.

Ayon kay PSMS Furuc na ang mga maglola ay galing sa bayan ng Quezon Isabela at nang pauwi na sa kanilang lugar na nooy patungong hilagang direksyon at nang akmang mag overtake ang tsuper na si Bagunu ay kanilang nasagi ang gulong ng kariton na kanilang sinusundan na nagresulta upang bumaliktad ang kanilang sinasakyang kulong kulong na may lulan ding maraming tray ng itlog.

Dahil dito nagtamo ng sugat at bali sa kanilang katawan pangunahin na ang tsuper at ang kasamang lola habang ang isa ay maswerteng hindi nagtamo ng malalang sugat.

--Ads--

Agad na sinugod ng mga concerned citizen ang mga lulan ng kulong kulong sa kalapit na pagamutan subalit inilipat din sa CVMC ang tsuper nito at ang pitumpong taong gulang na lola habnag ang opeartor ng kariton ng kariton ay agad na umalis pagkatapos ng insidente.

Samantala, nanawagan naman si PSMS Furuc sa mga operator ng kariton o mga farm machineries na tiyaking sa gilid ng lansangan dumaan upang hindi masundan ang naturang akdisente.

Ang bahagi ng pahayag ni PSMS Helmo David Furuc.