
CAUAYAN CITY – Ipinag-utos ni Pangulong Joe Biden ang paglalagay sa half-mast sa bandera ng Estados Unidos sa white house kasunod ng nangyaring mass shooting sa California na ikinasawi ng walo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Jon Melegrito, news editor sa Washington DC na nagalit si Pangulong Biden sa mass shooting sa California at sinabing tigilan na ang ganitong pangyayari.
Kasabay nito ang pag-atas niya na ilagay sa half mast ang bandera sa white house bilang pakikisimpatya sa pamilya at kaibigan ng mga biktima.
Frustrated na aniya siya dahil kahit anong gawin niyang proposal sa US congress ay marami naman ang tumututol.
Mahalaga aniyang magkaroon ng batas kaugnay sa gun control legislations dahil halos lahat ng mga mass shootings sa Amerika ay may koneksyon sa mental health.
Sa ngayon ay umabot na sa 232 ang naitalang mass shooting sa Estados Unidos ngayong 2021 at halos linggo-linggo ay nagkakaroroon ng pamamaril.
Dahil dito, sa isang buwan lamang ay mahigit 60 na ang naitala.
Kumpara aniya noong nakaraang taon ay malayong mass mababa ang kaso noong 2020 dahil sa pandemya.










