--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit apat libong hog raisers ang nakapag apply sa Subsidized Agriculture Insurance ng PCIC Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Marketing and Sales Division OIC Louterio Sanchez Jr. ng PCIC Region 2, sinabi niya na umabot na sa 4, 235 hog raisers ang nakakuha ng insurance sa kanilang tanggapan.

Umabot sa 12,333 na baboy ang kabuuang bilang ng nainsured.

Aniya ang mga hograisers na nakapag apply ng insurance ay maisasama sa indemnification sakaling maapektuhan ng ASF o maisailalim sa culling ang kanilang stocks o alaga.

--Ads--

Ayon kay Sanchez tanging sa mga lugar lamang na ASF Free sila maaaring mag insured ng mga baboy.

Tanging sa Abulug Cagayan pa lamang naman ang may pitong magsasaka na nabigyan ng Indemnification kung saan umabot sa dalawampung heads ng baboy ang naindemnify ng PCIC Region 2 na nagkakahalaga ng 161,100 pesos.

Karamihan sa mga lugar sa lalawigan ng Isabela ay nasa Red Zone kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakapagsimula mag insure ng mga apektadong backyard hog raisers.

Aniya nagpapatuloy naman ang kanilang pagbibigay ng insurance sa mga lugar na nasa green zone na kung saan pinahintulutan nang magsimula muling mag alaga ang mga hograisers.

Hinikayat naman ng PCIC Region 2 ang mga hograisers na nasa green zone na magtungo na sa kanilang city o municipal agriculture office upang mag apply sa insurance.

Isa ring inaabangan ngayon ng PCIC Region 2 ang Swine Repopulation Program ng Department of Agriculture.

Ang bahagi ng pahayag ni Marketing and Sales Division OIC Louterio Sanchez Jr. ng PCIC Region 2