--Ads--

CAUAYAN CITY – Pumalo na sa tatlumput walo ang kaso ng HIV/AIDS na naitala ng City Health Office o CHO-Social Hygiene Clinic mula noong 2020.

Sa naging pagpapahayag ni Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng Santiago City sa naganap na World AIDS Month Candle Light Ceremony kahapon, sinabi niya na sa kabila ng pandemya ay sinikap nilang mabigyang pansin ang nasabing sakit na dapat tinutugunan sa pamamagitan ng malawak na pagbibigay impormasyon sa mamamayan.

Una nang naglibot ang iba pang CHO Personnel sa mga Salon at Barbershops sa Lunsod.

Naglatag din sila ng Base Testing Site sa LGU para sa Libreng pagsusuri.

--Ads--

Ayon sa CHO nais nilang tulungan ang maysakit sa pamamagitan ng pagpapatayo ng kanilang Testing Office.

Batay sa datos ng CHO, tumaas ang bilang ng mga taong nagkasakit ng HIV AIDS kung saan sa taong 2018 ay nasa labimpito lamang ang nakumpirmang carrier nito at tumaas naman sadalawamput lima noong 2019 habang pumalo naman sa tatlumput walo nitong nakaraang taon.

Bago pa man maipatayo ang Santiago City HIV/AIDS Primary Treatment Hub ay nasa limang katao na ang nasasawi dahil sa naturang sakit kung saan dalawa dito ang mula sa lunsod.