--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging motibasyon ng isang estudyante sa lunsod ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan para sa bayan para pagbutihin ang pag aaral at ngayon ay tumanggap na ng international scholarship.

Si Edrian Paul Liao, residente ng Brgy. Baringin Sur ay nagtapos sa Philippine Science High School Cagayan Valley Campus sa Bayombong Nueva Vizcaya.

Siya ang kauna-unahang pilipinong nakatanggap ng scholarship grants ng Duke University sa Estados Unidos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Liao, sinabi niya na nais niyang makapagbigay ng solusyon sa problema maging ang innovation para sa ikauunlad ng bansa.

--Ads--

Aniya malaking tulong din ang pagkakaroon ng pandemic dahil mas napagtuunan niya ng pansin ang paghahanda sa mga kakailanganin niya sa pag aaral sa Duke University.

Ang bahagi ng pahayag ni Edrian Paul Liao.

Labis naman ang tuwa ng mga magulang ni Edrian sa pagkakatanggap niya sa isang sikat na unibersidad sa Estados Unidos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Eduardo Liao Jr., ang tatay ni Edrian, sinabi niya natutuwa sila sa nakamit ng kanilang anak dahil napakahirap pumasok sa nasabing Unibersidad ngunit kinaya niya ito.

Ayon kay Ginoong Liao, kanilang susuportahan ang anumang hangarin ng kanilang anak dahil para rin naman ito sa kanyang ikabubuti.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Eduardo Liao Jr. , ang ama ni Edrian Paul.