--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ng 70 karagdagang kaso ng COVID-19 ang Tumauini, Isabela sa loob lamang ng dalawang araw.
Sa kabuuan ay nakapagtala na ang naturang bayan ng 992 na kaso ng COVID-19, 166 ang aktibong kaso, 788 ang gumaling at 38 ang nasawi.
Dahil dito ay nagpalabas ang lokal na pamahalaan ng executive order number 17 series of 2021 na layuning paigtingin ang istriktong pagpapatupad ng mga polisiya at patakaran upang labanan ang pandemya.
Pinayuhan naman ang mga residente na makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) kung nangangailangan ng tulong.
--Ads--
Pinayuhan din ang mga residente na huwag balewalain ang mga minimum health protocolss gaya ng pagsusuot ng facemask at faceshield at sumunod sa social distancing.










