CAUAYAN CITY – Nasa mahigit tatlumpung personnel na ng BJMP Santiago City ang nabakunahan ng 1st at 2nd dose ng bakuna kontra Covid19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay JCinsp. Erickley Louise Lazaro, ang Jail Warden ng BJMP Santiago City sinabi niya na nasa tatlumput lima nang BJMP Personnel ang nabakunahan at nasa tatlumput isa na ang nakumpleto na ang 1st at 2nd dose ng Sinovac habang apat naman ang nakatanggap ng first dose ng Astrazeneca.
Wala namang nakaranas ng matinding adverse effect ng bakuna at target ng pamunuan na mabakunahan ang lahat ng mahigit limampung personnel.
Nasa mahigit pitumpong PDL naman ang naghihintay pa rin sa ibababang allocation ng City Health Office pangunahin na ang mga Detainee na may Comorbidity at mga Senior Citizen.
Sa ngayon ay wala na ring positibo sa Covid19 sa kanilang piitan ngunit patuloy pa rin ang kanilang mahigpit na monitoring.
Pinalawig din ng pamunuan ang Quarantine Period na ipinapataw sa mga bagong salta sa piitan kung saan mula sa 21 days ay ginawa na itong 28 days upang matiyak na hindi ito carrier ng virus.