CAUAYAN CITY – Patuloy na pinag-iingat ng Santiago City Police Traffic Enforcement Unit ang mga Motorcycle Riders sa Lunsod matapos manguna ang Motorsiklo sa talaan ng mga sasakyang mayu pinakamaraming nasasangkot sa mga aksidente sa daan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Plt. Col. Cleto Arnel Atluna, ang Hepe ng SCPO Traffic Enforcement Unit, sinabi niya na karaniwan ang motorsiklo sa mga sasakyang nasasangkot sa road crash incidents kasunod ang mga Private Vehicles, tricycles at malimit naman ang mga truck.
Ayon sa Hepe, karaniwan sa mga paglabag ng mga motorista ay ang paglabag sa Drivers Courtesy, paglabag sa paggamit ng priority lane, pakikipag-unahan, miscommunication, overspeeding dahil sa maluwag na daan at paglabag sa Drunk Driving Act.
Maraming nadidisgrasya dahil sa kawalan ng kaalaman sa batas trapiko pangunahin ang bukas na komunikasyon sa ibang tao.
Patuloy namang pinagiingat ni Plt. Col. Atluna ang mga motorista na bumabaybay sa mga pangunahing daan sa lunsod.