--Ads--

CAUAYAN CITY  Love triangle ang nakikitang motibo ng pulisya sa pamamaril sa isang lalaki sa San Pedro, Mallig, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si Orlando Gregorio, 39-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Purok 1, Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela habang ang biktima ay si Melvin Serbito, 34-anyos, manager at residente Sagat, Ilocos sur.

Bago ang pamamaril ay nagtungo sa isang restaurant ang pinaghihinalaan kasama ang kanyang mga kasamahan upang mag-inuman.

Matapos mag-inuman ay umalis ang suspek subalit bumalik din at pinagbabaril si Serbito na agad dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas.

--Ads--

Matapos ang pamamaril ay agad na umalis si Gregorio at nagtungo sa direksyon ng Viva Norte.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga kasapi ng Mallig Police Station at narekober sa bahay ni Gregorio ang isang unit ng caliber 38 na baril, apat na bala ng caliber 45 na baril, isang bala ng carbine, isang bala ng caliber 22 na baril, 29 na bala ng caliber 30 at 20 piraso ng low carry.

Lumalabas na matagal ng may paghanga ang pinaghihinalaan sa live-in partner ng biktima na si  Melodina “Megan” Gabi.

Sinabi pa umano ng pinaghihinalaan na handa siyang pumatay dahil sa obsession nito kay Megan.